Propesiya OdysseyPropesiya OdysseyPropesiya Odyssey
Propesiya
Odyssey

Maaring mong malaman ang hinaharap!

Magsisimula ang 15-bahaging serye sa Setyembre 20, 2024, New York City. Itakda sa iyong kalendaryo!

Mga Archive ng Programa

# Petsa Pamagat ng Programa
- Ang mga programa ay ia-archive dito pitong oras pagkatapos ng live na programa -
Hi, kaibigan!

Nais kitang imbitahan na maging bahagi ng libreng event na ito na inihahandog ng Amazing Facts International. Naniniwala akong matutuklasan mo na walang mas mahalagang panahon upang pag-aralan ang propesiya ng Bibliya kaysa ngayon. Mangyaring samahan ako sa natatanging karanasang ito, at huwag kalimutang ibahagi sa iyong mga kaibigan. Magdudulot ito ng pundamental na pagbabago sa iyong buhay magpakailanman.
—Doug Batchelor, presidente, Amazing Facts International
Pastor Doug Batchelor

Tungkol sa tagapagsalita


Tungkol kay Doug Batchelor

Si Doug Batchelor ay nakaranas ng matinding kasukdulan sa kanyang buhay. Ang kanyang paglalakbay mula sa anti-sosyal, ermitanyo na gumagamit ng droga hanggang sa respetadong guro ng Bibliya sa buong mundo ay nakatulong sa paghubog sa kanya na maging isang nakahanga-hangang tagapagsalita na madaling makaugnay ng mga madla sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, siya ang presidente ng Amazing Facts International, isang multimedia na Kristiyanong ministeryo. Siya ang host ng lingguhang programa sa radyo na Bible Answers Live, na ipinalalabas tuwing Linggo ng 7:00 PM Pacific. Mapapanood din siya linggu-linggo sa Amazing Facts with Doug Batchelor sa iba't ibang network sa buong mundo.

Bilang teenager na anak ng aviation tycoon na ama at show-business na ina, taglay ni batang Doug ang lahat ng bagay na maaaring bilhin ng pera—ngunit hindi niya natagpuan ang tunay na kapayapaan at kaligayahan. Isang magulong kabataan, sagupaan sa paaralan, nagkaroon ng mga pantasyang magpakamatay, at kalaunan ay tumakas sa bahay noong siya ay 15 taong gulang pa lamang.

Nawawalan ng pag-asa sa buhay at kumbinsido na wala itong tunay na kahulugan, determinado si Doug na maranasan ang mundo nang walang pag-aalala. Nagpasya siya sa paggamit ng droga, gumawa ng krimen, at nakulong, habang namumuhay sa matinding pakikipagsapalaran mula sa bagyuhin na dagat hanggang sa maiinit na disyerto. Ngunit ilang taon ang lumipas, isang malayong yungib sa mataas na bundok ng Palm Springs ang naging kanyang tahanan. At kahit na ang kanyang ama ay nagmamay-ari ng yate at pribadong jet, natagpuan ni Doug ang sarili na nangangalap ng pagkain sa mga basurahan.

Ang kaligayahan na hinanap ni Doug ay patuloy na mailap sa kanya sa loob ng maraming taon—hanggang sa araw na natagpuan niya ang isang Bibliya na natakpan ng alikabok na iniwan ng isang tao sa kanyang yungib. Sa pagbabasa, ito ang nagdulot sa kanya upang tunay niyang pinanampalatayanan at tinanggap si Kristo bilang kanyang Tagapagligtas! Maaari mong basahin ang higit pa tungkol sa kanyang kahanga-hangang kwento sa aklat na The Richest Caveman.

Ngayon, si Pastor Doug ay isang masiglang tagapagsalita na may malalim na pananaw at espiritwalidad, na may pambihirang kakayahang makipag-ugnayan hindi lamang sa mga tao sa simbahan kundi pati na rin sa mga may sekular na pag-iisip. Ang kanyang magaan, masigla at praktikal na pamamaraan sa pamumuhay Kristiyano, ay umaantig at umaabot sa mga puso sa paraang kakaunti lamang ang nakakagawa.

Si Doug at ang kanyang asawa na si Karen ay kasalukuyang naninirahan sa lugar ng Sacramento. Ang kanyang mga libangan ay kinabibilangan ng gitara, scuba diving, at racquetball. Tulad ng kanyang ama, siya rin ay isang tagahanga ng aviation at piloto. Kabilang sa kanyang iba pang mga aklat ang Shadows of Light: Seeing Jesus in All the Bible at The Truth About Mary Magdalene.

 
Live mula sa Manhattan Center sa New York City
Setyembre 20 – Oktubre 5, 2024 | 7:00–8:30 PM ET
Subaybayan si Pastor Doug para sa isang nakakamangha na 15-bahaging serye ng pag-aaral at makakuha ng malinaw, mapagkakatiwalaan, at lohikal na mga sagot sa iyong pinakamahalagang katanungan tungkol sa propesiya at sa Bibliya. Hindi mo lang makakamtan ang nakakapagbagong-buhay na pananaw sa kung ano ang darating sa hinaharap, kundi makakamit mo rin ang mga praktikal na gabay at pamamaraan na kailangan upang magtagumpay sa mga hamon ng mga panahong ito!

Propesiya

Pangngalan

"pahayag sa darating na mangyayari"

Odyssey

Pangngalan

"Mahabang paglalakbay na may pagbabago"; "Espirituwal na pag-tuklas"

MADALAS ITANONG


Ano ang Prophecy Odyssey?

Ito ay isang 15-part na serye ng epic na paggalugad sa Biblia na ipinamamalas ni Doug Batchelor, pangulo ng Amazing Facts International. Susuriin ang mga pahina ng Salita ng Diyos upang makakuha ng malinaw, maaasahan, at lohikal na mga sagot sa iyong mga pinakamapindalumang tanong tungkol sa propesiya at sa mga huling araw. Hindi mo lamang makakamit ang kaalaman tungkol sa kung ano ang darating sa hinaharap, kundi matutulungan ka rin nitong magkaroon ng gabay at pamamaraan kung paano magtagumpay sa mga hamon ng mga panahong ito!

Saan ko maaaring mapanood ang serye?

Kung nakatira ka malapit sa New York City, inaanyayahan kang makamit ang buong karanasan sa pamamagitan ng pagdalo nang personal sa lokasyon ng kaganapan. Ang Propehcy Odyssey ay magsisimula sa Setyembre 20 ng alas-7:00 ng gabi ET. Samahan kami sa Manhattan Center sa sumusunod na address:

311 W 34th Street New York, NY 10001



Saan ko maaaring mapanood ang live broadcast online?

Maaari mong mapanood nang live mula sa website na ito. Ang Prophecy Odyssey ay ipapalabas ng live sa alas-7:00 ng gabi ET. Maaari mo rin itong mapanood nang live sa YouTube, Facebook, at AFTV! Sa aming YouTube at Facebook feed, maaari kang mag-submit live ng mga tanong tungkol sa Biblia at makatanggap ng sagot.

Para sa akin ba ang seryeng ito?

Ang bawat presentasyon sa kapanapanabik na seryeng Prophecy Odyssey ay dinisenyo upang matulungan ang mga tao mula sa iba't ibang katayuan at kalagayan sa buhay na maunawaan ng malinaw ang mga pangunahing propesiya na matatagpuan sa Kasulatan. Maraming propesiya sa mga aklat ng Daniel at Pahayag ang matagal nang itinuturing na mga selyadong misteryo. Ngunit sa loob mismo ng Biblia, ibinigay ng Diyos ang mga susi upang mabuksan ang mga lihim na ito.

Sinasabi ba ng Biblia ang ang tungkol sa panahong kinakabilangan natin?

 
May mga katanungan tungkol sa Prophecy Odyssey? Ibibigay namin ang mga sagot sa lalong madaling panahon. Punan lamang ang form sa ibaba, at makakatanggap ka ng tugon mula sa amin.
Pangalan *
Email *
Bansa *
Estado / Lalawigan *
Mensahe *
Amazing Facts Logo
© Amazing Facts International, 6615 Sierra College Blvd, Granite Bay, CA 95746